Ang Chess.com ay naging pinakamalaking online na pamayanan ng chess na may milyun-milyong aktibong miyembro na kumakatawan sa bawat bansa sa planeta. Ang aming layunin ay lumikha ng isang masaya, ligtas, at patas na lugar para sa lahat ng mga tagahanga ng chess upang i-enjoy ang laro.
Hinihikayat namin ang lahat ng mga miyembro na tratuhin ang iba kung paano nila nais matrato at sundin ang mga nakasaad na patnubay sa ibaba. Ang mga manlalaro at mga miyembro ng pamayanan na hindi makasunod sa mga patakarang ito ay masasailalim sa mga babala, restriktadong pribilehiyo, hiwalay na pulong ng paglalaro, o maaari ring masara ang kanilang mga account. Nasa amin ang karapatang baguhin ang Patakarang Pampamayanan anumang oras. Ang pagsunod sa Patakarang Pampamayanan ay hindi garantiya sa patuloy na access sa Chess.com o paggamit ng Serbisyo.
Pampamayanang Asal
- Maging mabait, matulungin, at mapagpatawad
- Hindi namin kukuntinsihin ang anumang diskriminasyon sa lahi, kasarian, pagkapanatiko, o mga marahas na pagbabanta
- Huwag abusuhin, atakihin, pagbantaan, idiskrimina, o tratuhin ng masama ang ibang mga miyembro sa anumang paraan
- Huwag mang-hijack ng mga thread, mang-troll, o mag-post ng nakakagambala o walang kahulugang content
- Huwag mag-post ng spam, mga patalastas, o kopyahin/i-paste ang mga komento at mensahe
- Huwag labis na ipromote ang iyong club
- Huwag magdebate sa publiko tungkol sa relihiyon o mga paksang politikal
- Huwag mag-post ng malaswa o pornograpikong content
- Huwag magtalakay ng mga hindi legal na gawain
- Huwag magbubukas ng higit sa dalawang account (ang pangalawang, walang pangalang account ay pinapayagan para sa mga layuning pagsasanay)
Sportsmanship
- Huwag mag-abort ng mga laro nang madalas
- Huwag paghintayin ang iyong mga kalaban nang hindi kinakailangan
- Huwag magdiskonekta o umayaw nang hindi nagreresign kapag natatalo
- Huwag gipitin o akusahan ang iyong mga kalaban
- Sundan ang Patakaran para sa Patas na Laro
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa aming mga patakaran, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Support Team.