Patakaran sa Serbisyo ng Regalo sa Pagiging Miyembro

Ang sumusunod na text ay isang saling-wikang nagbibigay impormasyon lamang. Ang tanging legal at balidong bersyon ay available sa Ingles.
Petsa ng Pagkabisa: November 18, 2022

Pagtanggap ng Patakaran

Kapag ginamit mo ang aming Serbisyo ng Regalong Membership, ikaw ay sumasang-ayon sa Patakarang ito at sa lahat ng seksyong kasama sa loob ng aming Kasunduan ng Gumagamit. Kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa Patakarang ito o sa aming Kasunduan ng Gumagamit, hindi ka maaaring gumamit ng aming Serbisyo ng Regalong Membership.

Ang Regalong Membership ay binayarang membership ng isang tao (ang “Bumili") para sa ibang tao (ang “Tumanggap”). Ang Bumili at Tumanggap ay hindi maaaring parehong partido. Sa araw na matagumpay na nakumpleto ng Bumili ang pagbili ng Regalong Membership (ang "Petsa ng Pagbili"), ang Chess.com ay gagawa ng numerong kumpirmasyon ng order para sa Bumili. Ang Regalong Membership, hindi tulad ng ibang Membership ng Chess.com, ay hindi nagre-renew at may access lang ang Tumanggap sa Chess.com Memberships mula sa panimulang petsa ng Regalong Membership (ang "Panimulang Petsa ng Regalo") hanggang sa pagtatapos ng biniling membership (ang "Term ng Regalo"). Anumang pagbili o paggamit ng Regalong Memberships ay napapasailalim sa Patakarang ito, bilang karagdagan at hindi kapalit ng pangkalahatang Kasunduan ng User ng Chess.com.

Pagbili ng Regalong Membership

Ang Regalo ng Pagiging Miyembro ay maaari lamang bilhin sa Chess.com. Ang mga partikular na tuntunin at kondisyon na itinakda sa proseso ng pagbili ay maaaring igawad. Sa oras ng pagbili, ang Bumibili ay pipili ng petsa kung kailan ibibigay ang Regalo ng Pagiging Miyembro sa Tatanggap (ang “Petsa ng Paghahatid ng Regalo”), na dapat ay nasa loob ng 90 araw mula sa Petsa ng Pagbili. Ang Chess.com ay gagawa ng Regalo ng Pagiging Miyembro na magpapahintulot sa Tatanggap na makuha ang Regalo ng Pagiging Miyembro sa Petsa ng Paghahatid ng Regalo, at ang Chess.com ay mag-e-email sa tatanggap, at/o idagdag pa na magpapadala ng Mensahe sa Chess.com Inbox, kung naaangkop, sa Petsa ng Paghahatid ng Regalo. Ang Chess.com ay magpapadala din ng isang “email na resibo” sa Bumibili sa Petsa ng Pagbili na may numero ng kumpirmasyon ng order para sa Regalo ng Pagiging Miyembro.

Ang Chess.com ay hindi responsable at ipinapalagay na walang pananagutan sa hindi pagdating ng email dahil sa imbalidong address, hindi tamang nailagay na email address ng Bumibili, spam filters, o anumang iba pang kadahilanan. Kung ang Bumibili ay nais na ipahayag ang Petsa ng Paghahatid ng Regalo sa ibang paraan maliban sa pag-aanunsyong email ng Chess.com o ng Chess.com Inbox Message, kung gayon ang Bumibili ang tanging may pananagutan sa paggawa nito.

Pag-access sa Regalong Membership

Kung ang Bumibili ay ginamit ang Chess.com username ng Tatanggap para ihatid ang Regalo ng Pagiging Miyembro:

Ang Petsa ng Pagsisimula ng Regalo (i.e., kung kailan nagsimula ang Regalong Membership) ay ang Petsa rin kung kailan Inihatid ang Regalo at magtatapos sa dulo ng Termino ng Regalo, kahit hindi i-access ng Tatanggap ang Membership sa Petsa ng Pagsisimula ng Regalo, o sa mas late na petsa o hindi kailanman.

Kung ang Bumibili ay ginamit ang email address ng Tatanggap upang ihatid ang Regalo ng Pagiging Miyembro, at alinman:

i.) Kung ang Tatanggap ay may Chess.com account bago pa man ang Petsa ng Paghahatid ng Regalo, at ang email address na nauugnay sa Regalong Membership ay tumutugma sa email address na nauugnay sa Chess.com account ng Tatanggap:

Ang Petsa ng Pagsisimula ng Regalo (i.e., kung kailan nagsimula ang Regalong Membership) ay ang Petsa rin kung kailan Inihatid ang Regalo at magtatapos sa dulo ng Termino ng Regalo, kahit hindi i-access ng Tatanggap ang Membership sa Petsa ng Pagsisimula ng Regalo, o sa mas late na petsa o hindi kailanman.

ii.) Kung ang Tatanggap ay may Chess.com account bago pa man ang Petsa ng Paghahatid ng Regalo, at ang email address na nauugnay sa Regalong Membeship ay HINDI tumutugma sa email address na nauugnay sa Chess.com account ng Tatanggap:

Ang Regalong Membership ay hindi magsisimula sa ilalim ng umiiral na Chess.com account ng Tatanggap. Para simulan ang Regalong Membership, ang Tatanggap ay maaaring (a) makipag-ugnayan sa Suporta ng Chess.com; o (b) magtakda ng isang bagong Chess.com account gamit ang email address ng Tatanggap na nauugnay sa Regalong Membership. Sa paglikha ng bagong Chess.com account na yan, ang Termino ng Regalo ay kaagad magsisimula.

iii.) Kung ang Tatanggap ay walang Chess.com account bago ang Petsa ng Paghahatid ng Regalo;

Upang simulan ang Regalong Membership, ang Tatanggap ay kinakailangang lumikha ng Chess.com account na may parehong email address na nauugnay sa Regalong Membership. Sa paglikha ng naturang bagong Chess.com account, ang Termino ng Regalo ay kaagad magsisimula.

Balik-bayad at abisong hindi maililipat

Ang mga Regalo sa Pagiging Miyembro ay hindi maibabalik maliban kung kinakailangan ayon sa naaangkop na batas. Ang mga Regalo sa Pagiging Miyembro ay hindi na maaaring ibentang muli o ilipat. Ang Regalo sa Pagiging Miyembro ay imbalido at hindi kikilalanin, at ang Chess.com ay hindi mananagot sa halaga ng Regalo sa Pagiging Miyembro, kung ang Regalo sa Pagiging Miyembro ay nakuha sa isang hindi awtorisadong nagbebenta o muling tagapagbenta, kabilang ang anumang site ng subasta sa Internet.

Single-Use Only; Not Combinable with Other Offers; Not Exchangeable.

Ang Regalong Membership ay isang beses lang magagamit. Ang pagbili o pagtubos ng Regalong Membership ay hindi maaaring isama sa anumang iba pang mga alok, kupon, diskwento o promosyon. Ang Regalong Membership ay hindi maaaring ipagpalit o mai-credit sa pagbili ng anumang Chess.com Memberships.

Pandaraya at abiso ng hindi pagbabayad

Chess.com reserves the right to refuse to honor a Gift Membership if Chess.com suspects that the Gift Membership was obtained fraudulently. Chess.com reserves the right to refuse to honor any Gift Membership in the event of a disputed credit card charge, bounced check or other failure of consideration.

Changes to Agreement

Ang Chess.com ay inilalaan ang karapatang iayos nang bahagya, baguhin, palitan o pagbutihin ang Kasunduang ito paminsan-minsan sa pagpapasya nito nang walang paunang abiso. Ang kasalukuyang bersyon ng Kasunduang ito ay makikita sa https://www.chess.com/legal/gifting.